Friday, January 16, 2009

Why does it always have to be like this?

taon na ang binilang.. siguro, sa kultura nating mga pilipino, natural na pagusapan ang salitang "pagibig". ngunit.. hindi naman ito nagaapply sa lahat. kadalasan sa ating kabataan ngayon, sinasabi nilang sila'y inlove. pinagmulan? tayo. tayo ang nagimpluwensya sa kabataang mga iyon upang mahiwagaan sila sa salitan love o kaya naman ay pagibig. di ba't nararapat sa mga panahon na iyon e.. nagaaral sila. pinagtutuunang pansin ang kinabukasan nila. pero hindi.

hindi man sa ating mga teenager ngunit sa mga matatanda na rin. ang pagaaway tungkol sa pagibig o paghihiwalay o kahit na anong may konekta sa relasyon ay di dapat ipinaalam sa ating mga kabataan ang ganitong mga bagay.. hayaan natin silang matuto mula mismo sa labas na mundo. sa kapaligiran nila. kung may mali man silang makuhang impluwensya ay turuan na lang natin sila subalit ang pagdikta at pagpaparamdam ng dapat nilang gawin? hindi tama yun.

why does it always have to be like this? oo nga. bakit ba kailangan sa ating mga teenager inlove tayo. at mula sa salitang ito ay nabuo ang mga emo, punk, at kung ano anong genre ng pagkatao. di ba pwedeng simple na lang? sabagay. sino ba naman ako upang diktahan kayo kung ano ang nararapat ninyong pagkatao. nais ko lamang sabihin ang aking nararamdaman tungkol sa ganitong lagay ng ating mga kabataan sa ating bansa.

papaano mo nga ba malalaman kasi kapag inlove ka? patience dear. naniniwala ako sa salitang "soulmate". lahat tayo meron niyan. kaya nga lang.. nagiging tanga tayo at nagaaksaya ng oras sa pakikipagrelasyon ng maaga ng hindi man lang natin sinisigurado kung ito nga ang tao un. kung siya nga yun, sabihin mo sa kanyang magantay. kung siya nga yun, di naman kailangan gawin iyon ngayong panahon ng kabataan mong ito.. maari namang pagkatapos ng high school o kaya naman e pag may trabaho na tayo. syempre.. di ba't mas mapapatunayan ni soulmate sayo na kayo talaga dapat.. nagantay xa.. ibig sabihin walang nasayang na oras. mas magtatagal kayo. mas magiging mahirap din sa kanya ang maghiwalay kayong dalawa dahil nagantay siya ng matagal na panhon yun pala'y maghihiwalay lang kayo? hindi siya tanga para gawin yun.

ok lang din ang magkacrush, di naman masama iyon e. as long as di siya lalagpas sa mga limitasyon mo bilang tao. i mean, hindi dapat siya maging hadlang sa kahit anong layunin mo sa buhay. 99% perpiration, 1% inspiration.

may kaklase ako ngayon sa high school. nabibilib ako sa kanya sapagkat sa kanya mismo nanggaling ang mga katagang.. 'magaantay ako sa kanya, kahit sampung taon pa". hindi ba't kaysarap at kaytamis pakinggan? hindi siya martyr kung iyon ang iniisip niyo. mas maganda nga kung ganun dahil alam mong sincere siya. di niya inisip na pasukin kaagad ang relasyon na parang butas lang ng drum e pasok na lang ng pasok. handa niyang suungin lahat at magantay kahit kailang upang makamit lamang ang pagmamahal ng nagustuhan niyang tao. kung sa tingin mo naman e hindi ka pa nakakaramdam, mabuti rin naman yun e. masasabi mo sa sarili mong nakapagantay ka ng matagal na panahon at sumuong ka sa pagiging teenager ng hindi iniisip ang ibang bagay at di umiiyak dahil sa puso mong nawasak o kung ano pa mang nangyari. :). ang sinasabi lang ng nilalaman nito e, magantay. hindi lahat ng bagay sa mundo ay madali kaya kung mabigo tayo, maari natin itong damdamin ng sobra at umabot sa pagtapos ng ating sariling buhay dahil lamang nagkamali tayo ng pinili at di natin nakamit ang nais natin o blah blah blah.

sana ay maging gabay 'to ng ibang kabataan na naiinggit sa iba na meron ng kanya kanyang pares. iba ka sa kanila. sa iyong sariling paraan ay maarin kang makilala t gumawa ng magagandang bagay. makilala sa magandang pangngalan at lumabas sa isang estado ng buhay na tinatawag ni teenager ng hindi naapektuhan ng kahit anong makakagulo sayo.

ika nga nila.. LIVE UP, STAND OUT. xD

No comments:

Post a Comment